CAUAYAN CITY – Patay sa pagkalunod ang isang bata na taga- Malabon City at nagbabakasyon lamang sa kanyang mga kamag-anak sa Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao.
Ang biktima ay si Kurt Baui Blanker, 12 anyos.
Sa pagsisiyasat ng Alfonso Lista, Ifugao, nangyari ang pagkalunod sa ilog magat ng bata habang sila ay nagpi-picnic sa Nagtipunan, Sto domingo, isang pook-pasyalan sa bayan ng Alfonso Lista.
Hindi umano namalayan ng mga kamag-anak ni Kurt na siya ay pumunta sa pampang at naligo sa ilog kasama ang kanyang pinsan.
Naliligo ang bata at hindi namalayan ng mga kamag-anak na siya ay nalunod.
Ginawa lahat ng mga pulis at mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na maisalba ang bata ngunit patay na nang idating sa ospital.




