CAUAYAN CITY – Patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang magsasaka matapos matagis ng isang forward truck habang binabagtas ang daan sa barangay Mabini, Alicia sakay ng kanyang bisikleta.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, kinilala ni P/Sr Inspector Darwin John Urani, hepe ng Alicia Police Station ang biktima na si Robert Ramento, 51 anyos, magsasaka at residente ng Mabini, Alicia, Isabela.
Ang tsuper ng forward truck na nakatagis sa kanya ay si Jay Henry Marquez, 21 anyos, residente ng Minante s1, Cauayan City.
Ayon kay Sr. Inspector Urani, sinabi ng nakakita sa aksidente na nasa shoulder ng daan ang biktima ngunit nahagip pa rin ng forward truck na mabilis ang takbo.
Natumba ang bisikleta at tumilapon si Ramento sa gilid ng daan.
Nilinaw ni Chief Inspector Urani na hindi nagulungan ng truck si Ramento kundi ang kanyang bisikleta.




