CAUAYAN CITY- Nasa pag-iingat pa rin ng pulisya ang tsuper ng tricycle na nanaksak sa kainuman sa Ramon,Isabela
Ang pinaghihinalaan ay si Jerome Sunga,35 anyos ng Raniag,Ramon, isabela habang ang biktima ng pananaksak ay si Rene Boy Omotoy, 29 anyos, residente ng Ilagan City.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, amicable settlement ang pinagkasunduan ng magkabilang panig subalit hindi pa na-notarized ang kanilang kasunduan.
Ang biktima ay nagpapagamot pa sa pagamutan dahil sa tinamong sugat .
Habang nag-iinuman ang dalawa ay hindi umano maalala ng pinaghihinalaan kung bakit niya nasaksak ang biktima.
Hindi naman malalim ang sugat na natamo ni Omotoy na kasalukuyan pa ring nasa pagamutan.
Sasagutin ni Sunga ang pagpapagamot ni Omotoy.
Inilalakad na ang pag-notarized sa napagkasunduang amicable settlement upang makalabas na sa bilangguan si Sunga.




