--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangangamba si Magdalo Rep. Gary Alejano na posibleng magkawatak-watak ang bansa sa isinusulong ng Duterte administration na pederalismo na porma ng pamahalaan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Alejano na taliwas ito sa unang pahayag ng pangulo na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag naipatupad ang federalism sa pilipinas.

Binigyang diin ng kongresista na posible ang term extension ng pangulo kapag naamyendahan ang saligang batas na maaari umanong magresulta upang ipasakamay sa pangulo ang legislative powers.

Iginiit ng mambabatas na sa pamamagitan ng legal na pamamaraan ay posible ring maabot ng pangulo ang kanyang layunin na maging diktador bagay na pinapabulaanan naman ng Malacañang.

--Ads--

Kapag nangyari aniya ito ay hind na alam kung kailan magaganap ang eleksyon na posibleng matulad kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na naging diktador.

Ayon pa kay Congressman Alejano, wala siyang nakikitang ebidensya na nagpapakitang magdadala ng pagbabago sa bansa ang pederalismo.