--Ads--

CAUAYAN CITY – Nababahala at natatakot ang mga motoristang bumabagtas sa San Mateo-Alicia Road dahil sa naganap na mga krimen sa nasabing lugar na ang pinakahuli ay ang mag-aaral na si Clever John Peralta na residente ng San Mateo, Isabela.

Ilang bumabagtas sa nasabing lansangan ay mga nagtatrabaho sa mga bayan ng Alicia at Echague na residente ng San Mateo, Isabela.

Nauna rito ay nagiging tapunan ng mga pinapatay na tao ang nasabing lansangan, bukod pa sa mga nagaganap na panghoholdap na karamihan sa mga biktima ay pinapatay.

Dahil dito, hiniling ng mga motorista na magtayo sana ng Pulisya Ti Umili (PTU) sa nasabing daan upang mayroong mapagsumbungan o paghingan ng saklolo ang mga nangangailangan ng tulong at nasa panganib ang kanilang buhay.

--Ads--

Inihayag pa ng mga motorista na hindi mawawala ang kanilang takot hangga’t walang ipinapatayong PTU sa nasabing lugar.

Maganda anya ang nasabing daan dahil sementado ngunit natatakot ang ilang motorista na dumaan pagsapit na ng gabi.