--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na ipapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) region 2Kagawaran ng Kalakal at Industriya o DTI Region 2 ang paglalagay ng mga suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Marilyn Ponce , Information Officer ng DTI region 2 na ipinag-utos na ng kanilang panrehiyong tanggapan sa lahat ng tanggapin ng DTI na lalo pa nilang paigtingin ang kanilang price inspection sa mga bilihin sa bansa bunsod na rin ng ipinapatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law

Sinabi ni Bb. Ponce na sa ngayon ay kasauluyan ang kanilang consolidation ng presyo ng mga basic at prime commodities upang hindi makapagsamantala ang mga negosyante.

Sa mga construction supply tulad ng mga G.I. Sheets, Steel wires at iba pa ay tinitiyak nilang hindi mga sub-standard ang mga ibinebenta ngunit pagdating sa mga plywwod at mga sawali ay ang DENR ang may kapanyarihan na magmonitor sa mga ito.

--Ads--

Sa ngayon ay kanilang binabantayan ang mga bahay kalakal dahil hindi sila dapat agad magtaas ng presyo dahil may mga dati ng stock at hindi dapat maapektuhan dahil sa TRAIN law.

Nilinaw ng DTI na hindi nila sakop ang mga produktong alak at sigarilyo na imonitor kundi ang mga basic at prime commodities ang kanilang tinututukan.