--Ads--

CAUAYAN CITY- Binigyang Diin ni Brig. General Perfecto Rimando, bagong talagang Commanding Officer ng 5th Infantry Division Phil. Army na nakahimpil sa Gamu, Isabela na ipagpapatuloy ng mga star troopers ang pagtugis sa mga komunistang pangkat.

Inamin ni Brig. Gen. Rimando na dahil mayroon pa ring banta ang makakaliwang pangkat ay hahanapin umano nila ang kalaban na nais pabagbsakin ang pamahalaan.

Sinabi pa ng opisyal na tubong Naguillian,La Uinion na tuloy ang kanilang mandato at susundin ang kautusan ng mga nakakataas na opisyal at kung ano ang nasa batas.

Anya bilang kasapi ng militar na nagsilbi na sa iba’t ibang units ng Phil. Arrmy at naranasang matamaan ng bala ng baril ay mas nanaisin nila na magkaroon ng katahimikan.

--Ads--

Kaugnay sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sinabi ni Brig. General Rimando na susundin lamang umano nila ang magiging kautusan ng nakakataas sa kanila.

Sa kabila nito ay hinikayat niya ang mga rebelde na sumuko na dahil may alok naman na programa ang pamahalaan pangunahin na ang Comprehensive local Integration Program na para sa nagbabalik loob na komunista.

Si Brig. General Perfecto Rimando.ay pinalitan si outgoing Commanding Officer ng 5th ID Major General Paul Talay Atal isinagawang turn-over ceremony.