--Ads--

CAUAYAN SA CABATUAN, ISABELA – Mga kabataan ang sangkot sa mga naganap na pagnanakaw sa apat na bahay kalakal sa nasabing bayan.

Ang mga menorde edad na sangkot sa pagnanakaw ay may edad na labing dalawang lamang na dinala sa tanggapan ng Department of Social Welfare Development San Mateo.

Sa pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station ang mga bahay kalakal na ninakawan ay pagmamay-ari nina Gng. Eva Evra, 38 anyos, residente ng Sen Fermin, Cauayan City; Casper Von Britanico,24 anyos ng Centro, Cabatuan; Gng. Almacita Maramba ng Magdalena, Cabatuan at Ginoong Teo Isidro ng Rang-ayan, Roxas, Isabela.

Ang mga suspek na pumasok sa mga nasabing puwesto ay natuklasan ng isang kawani ng pamahalaang lokal na si G. Onofre Respicio .

--Ads--

Ang mga suspek na mga menor de edad ay nakapagnakaw ng mga relo, ilang kagamitan at pera na nabawi rin sa kanilang pag-iingat.