--Ads--

CAUAYAN CITY – Humigit kumulang 600 boardfeet ng mga ilegal na pinutol na kahoy ng narra ang nasabat ng pulisya sa San Mariano, Isabela.

Ang nasabing narra flitches ay nakuha sa Pinacanauan River na sakop ng Brgy. Minanga.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Marino Police Station, una silang nakatanggap ng sumbong mula sa isang concerned citizen noong January 1, 2018 na agad namang nilang tinugunan.

Nakita ng mga otoridad ang dalawang lalaki na nagtutulungang buhatin ang narra flitches sa gilid ng ilog.

--Ads--

Agad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilang lalaki nang makita ang mga pulisya.

Nakumpiska sa lugar ang dalawamput tatlong piraso ng kahoy na tinatayang nasa 304 boardfeet.

Makalipas ang ilang araw ay muling nakakumpiska ang pulisya ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa Brgy. Ueg, San Mariano,Isabela.

Nakuha sa lugar ang pinagdugtong na nakataling kahoy na nasa 20 piraso.

Ang nasabing mga ilegal na pinutol na kahoy ay nasa pangangalaga na ng pulisya.