CAUAYAN CITY –Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang pinatay na stay-in Branch manager ng isang finance corporation ang kanilang tanggapan sa sa Camacam Street, Centro West, Santiago City.
Ang biktima ay si Joel Calara, 37 anyos, may-asawa, tubong Pampanga.
Sa paunang pagsisiyasat ng Station 1 Santiago City Police Office, pumasok umano ang branch cashier ng nasabing kompanya nang makita na nagkalat ang mga gamit sa kanilang tanggapan kaya agad humingi ng tulong sa mga kasamahan at pulis.
Nang suriin ng mga otoridad ang loob ng nasabing bahay kalakal ay nakita ang biktima na duguan at wala nang buhay.
Nagtamo ng tama ng bala ng Cal. 45 baril ang biktima.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na umakyat sa puno at dumaan sa bubungan ng gusali ang mga suspek at agad pinaputukan sa ulo ang nakahigang manager noong sila ay nakapasok na.
Natangay ng mga suspek ang cellphone ng biktima at hindi pa matukoy na halaga ng pera.




