--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kasong theft laban sa isang security guard na umano’y nagnakaw ng ilang items sa loob ng department store ng isang mall sa Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si Marlon Pacano, 37 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Baculod, Ilagan City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, nagtungo sa department store ang suspek at habang nasa loob ay kinuha umano niya ang ibat ibang items na tinatayang may kabuuang halaga ay mahigit P/4,800.00.

Ayon pa sa pulisya, ang mga nabanggit na bagay ay inilagay ni Pacano sa isang basket at nagtungo sa fitting room subalit nang lumabas ito ay napansin ng isang civilian guard ang kahina- hinalang kilos nito hanggang sa natuklasan niya na ang mga kinuhang items ay nakalagay sa kanyang back pack.

--Ads--

Ipinasakamay sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Napag-alaman pa ng pulisya na dati na rin nahaharap sa kasong pagnanakaw ang nasabing guwardiya.