--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Pagrang-ayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ramon Police Station, ang suspek ay si Bobby Urbano at residente ng Brgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

Nakuha mula kay Urbano ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang isang libong piso bilang marked money.

Nasamsam din sa suspek ang isang unit ng cellphone na pinaniniwalaang ginagamit nito sa kanyang transaksyon.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang pinaghihinalaan para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act ) laban sa kanya.