CAUAYAN CITY- Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga komitiba na binuo ng Schools Division Office ng DEP-ED Cauayan City kaugnay sa naranasang pagdudumi ng mga atleta at ilang coaches na nagsasanay para sa paghahanda sa nalalapit ng Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) meet 2018.
Ang CAVRAA Meet 2018 ay gaganapin sa Tuguegarao City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni G. Renato Tababa, sports coordinator ng DEP-ED Cauayan City na mahigit 100 atleta at coaches ang dumanas ng pagdudumi habang sila ay naka-inhouse sa North Central School at Cauayan City National High School.
Anya bago sila nakaranas ng pananakit ng tiyan, kahapon ay nag-ulam sila ng Igado sa gabi at pork and beans sa umaga.
Kanya pang sinabi na dalawa hanggang apat na beses na pabalik-balik sa palikuran ang mga naapektuhan at makalipas nito ay
Mahigit 100 sa kanila ang dumanas ng pagdudumi na kaagad nilapatan ng lunas at bumuti ang kanilang kalagayan.
Bukod lamang sa isang atletang dinala sa pagamutan na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.
Sa ngayon ay inaalam kung anong naging sanhi ng pagdudumi ng mga biktima at maging ang tubig na kanilang iniinom ay sinusuri na rin.




