--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang 2 mag-aaral matapos malunod sa water impounding sa bayan ng Diffun, Quirino.

Kinilala ang mga biktima na sina Jamaica Abuan, 11 anyos at Rosemarie Valdez, 9 anyos, kapwa residente ng Barangay San Isidro, Diffun, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Diffun Police Station, ang mga biktima kasama ang kanilang kaibigan ay nagkayayaan na magtungo sa nasabing water impounding na 100 metro ang layo mula sa pambansang lansangan.

Sinubukan umano ng mga biktima na lumangoy patungo sa kabilang bahagi ng water impounding subalit nang makarating sa gitnang parte ay nahirapang lumangoy ang mga biktima na dahilan ng kanilang pagkalunod.

--Ads--

Agad namang humingi ng tulong ang kasamahan ng mga biktima sa mga kalapit na bahay.

Naisugod sa ospital ang 2 mag-aaral subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.