--Ads--

CAUAYAN CITY –  Naaresto  ang 2  bagong natukoy na sangkot sa illegal na droga  isinagawang drug buy-bust operation sa barangay San Pedro, Mallig, Isabela. 

Ang mga nadakip ay sina Rolly Cendania, 39 anyos, magsasaka at residente ng Siempre Viva Sur, Mallig, Isabela  at Julius Bulusan, 21 anyos, binata magsasaka tubong Baggao, Cagayan at pansamantalang naninirahan sa Olango, Mallig.

Sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Mallig Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  region 2 ay naaresto sina Cendania at Bulusan.

--Ads--

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang piraso na 500 pesos na buy-bust money.

Dinala sa himpilan ang 2 at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.