--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang 2 pasahero habang 2 naman ang malubhang nasugatan sa banggaan kaninang alas sais ng umaga ng isang Toyota Hi-lux pick up at isang tricycle sa national highway sa Upi, Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Sr. Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station na naganap ang banggaan ng dalawang sasakyan habang binabagtas nila ang magkasalungat na direksiyon sa daan sa tapat ng Cathedral Village sa Upi, Gamu, Isabela.

Ang tricycle ay papunta sa Lunsod ng Ilagan habang ang pick up ay papuntang junction ng Upi, Gamu.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng tricycle na si Lorenzo Lapastora, 54 anyos, may-asawa at residente ng Sta. Cruz, Benito Soliven, Isabela at isa niyang pasahero na hindi pa nakilala.

--Ads--

Nagtamo rin ng malubhang sugat sa katawan ang 2 pasahero ng tricycle na hindi pa nakilala ang kanilang pangalan.

Sinabi ni P/Sr. Inspector Limbo na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa banggaan ng dalawang sasakyan.