--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlong tao na ang patay sa naganap na banggaan ng isang SUV at isang tricycle sa Upi, Gamu, Isabela.

Dead on arrival na pagamutan ang mga pasahero ng tricycle na sina Teresita Languido, 30 anyos, tindera, may-asawa at Gabriela Gorospe, 35 anyos, may-asawa, tindera at kapwa residente ng Surcoc, Naguillian, Isabela.

Sumunod na binawian din ng buhay ang tsuper ng TMX tricycle na si Florendo Lapastora, residente ng Sta. Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Ang Toyota Hi-lux na may plakang AAI 7385 ay minamaneho ni Ernesto Angoluan, 70 anyos, isang retired teacher na residente ng Calamagui Second, Lunsod ng Ilagan.

--Ads--

Nagtamo ng kaunting sugat sa katawan sina Wilma Domingo, at Prescila Mata, kapwa tindera at residente ng Benito Soliven, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Sr. Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station ang dalawang sasakyan na nasangkot sa aksidente ay magkasalubong .

Anya nag-overtake ang sasakyan sanhi para mabangga ang kasalubong na tricycle na Minamaneho ng Lapastora.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pulisya ang kamag-anak ng mga biktima kung magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa tsuper ng sasakyan na bumangga sa tricycle na ikinasawi ng tatlong tao.