--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtatapuloy pa ang paghahanap sa isang pinay na nagtatrabaho bilang caregiver sa Hualien, Taiwan na naapektuhan ng 6.4 magnitude na lindol

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Loida Salazar Hu, tubong Cauayan City at restaurant owner sa Hualien Taiwan na sa ngayon ay pinaghahanap pa rin si Melody Albano De Castro, 29 anyos na residente ng Abulog, Cagayan.

Sinabi pa Hu na nakita na ang amo at alaga ni De Castro sa tinitiryang apartment sa ikapitong palapag ngunit pinaghahanap pa rin si De Castro.

Nanawagan si Gng. Loida Salazar Hu, tubong Cauayan City, Presidente ng Filipino Community sa Hualien, Taiwan ng panalangin sa mahigit 1,000 pinoy na nagtatrabaho sa nasabing lugar at para sa pinay na nawawala.

--Ads--