CAUAYAN CITY- Nagtamo ng malalim na sugat sa noo ang isang magsasaka matapos tagain ng kanyang kapwa magsasaka sa purok 4, Nungnungan Uno, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktimang si Virgilio Tabili, 46 anyos, may-asawa ay umawat lamang sa kinasangkutan gulo ng kanyang kainuman na sina Rolly Cunanan, 48 anyos at Jayson Padilla, 23 anyos na pawang residente ng nasabing lugar.
Ayon sa nakasaksi sa pangyayaring si Marvin Luga, 21 anyos na isa rin sa kanilang kainuman, sina Cunanan at Padilla ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ukol sa matagal nang awayan sa kanilang palayan
Kinuha umano ng suspek na si Cunanan ang kanyang gulok at akmang itataga kay Padilla ngunit ang umaawat na si Tabili ang nataga.
Kaagad na dinala sa pagamutan ang biktima upang malapatan ng lunas.




