CAUAYAN CITY – Umaabot na sa 15 million pesos ang halaga ng mga fully grown mariJuana ang nadiskubre at sinira ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), militar at pulisya sa 3 araw na operasyon sa Tinglayan, Kalinga simula noong February 11 hanggang 13.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt. Col. Ruben Guinolbay, battalion commander ng 50th Infantry Battalion Philippine Army na umaabot sa 1,100 square meters ng marijuana plantation ang kanilang sinira sa nasabing lugar.
Natagpuan din nila sa lugar ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na handa nang ibiyahe patungong Metro Manila.
Unang napaulat na 6.1 million na halaga ng mga tanim na marihuana ang sinira ng mga otoridad sa Mt. Chumanchil, barangay Loccong, Tinglayan, Kalingan. Nadagdagan ang halagang ito sa patuloy na oprasyon ng mga otoridad sa nasabing bayan.
Sinabi ni Lt. Col Guinolbay na nakasanayan na umano ng mga magsasaka sa nasabing lugar ang pagtatanim ng marijuana.
May mga dayuhan umano ang nagbibigay sa kanila ng hybrid na buto ng marijuana na itinatanim nila sa lugar.
Kasama ng 50th IB sa isinagawang operasyon sa Tinglayan, Kalinga ang PDEA Region 2, PDEA sa Cordillera Administrative Region, Kalinga Police Provincial Office at Tinglayan Police Station.




