--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpalabas ng memorandum si Cauayan City Mayor Bernard Dy na nagsasaad na puwedeng magsuot ng civilian attire ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang lunsod batay sa kanilang relationship Status ngayong araw ng mga puso.

Sa ipinalabas na memorandum order, ang mga empleyado na in a relationship, inlove o happily married ay magsusuot ng kulay pulang damit habang pink na damit ang isusuot ng mga flirting, kulay gray sa mga single at kontento sa pagiging single.

Magsusuot naman ng kulay violet na damit ang mga walang boyfriend o girlfriend since birth.

Ang mga bitter ay magsusuot ang black at brown naman sa mga na-friendzone

--Ads--

Kulay blue na damit ang isusuot ng mga broken hearted, green naman sa mga complicated ang relasyon, yellow sa mga nagmo-move on at puti sa mga kailangang mag-aral muna.

Ang mga magsusuot ng office uniform ay para sa mga killjoy.

Sa ipinalabas na memorandum order na nilagdaan ni Mayor Bernard Dy na may petsang February 12, 2018, bagamat hindi kailangang magsuot ng office uniform ang mga empleyado ay kailangang nakasuot pa rin ang kanilang mga ID at tiyakin ang tamang dress code.