--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang New People’s Army o NPA surrenderee kagabi sa Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino.

Ang NPA surrenderer na namatay ay si Arnel Ariata, nasa tamang edad at residente ng Sangbay,Nagtipunan, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nagtipunan Police Station ang biktimang si Ariata kasama ang isang Junior Paguyo ay nagtungo sa bundok upang mamutol ng mga puno.

Habang papauwi umano si Paguyo ay nakarinig siya ng putok ng baril sa lugar kung saan namumutol ng kahoy si Ariata kaya kanyang binalikan ang biktima.

--Ads--

Nagulat na lamang anya si Paguyo nang makita si Ariata na wala nang buhay sanhi ng tinamong tama ng bala ng di pa matukoy na klase ng baril.

Nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa pagkakabaril patay sa nasabing NPA surrenderer.