--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa iba pang kaso ang isang lalaking dinakip ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station sa Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihain kahapon ng Cabatuan Police Station ang warrant laban kay Michael De Dios, 36 anyos, binata at pansamantalang nakatira sa Barangay Magdalena, Cabatuan,Isabela nang makitaan ng baril at droga sa kanyang pag-iingat.

Ang warrant of arrest laban kay De Dios ay ipinalabas ng hukuman sa Sablayan,Occidental Mindoro dahil sa kasong direct assault at attempted homicide.

Bukod dito ay mayroon pang kinakaharap na kasong Murder at illegal possession of firearms and ammunition sa lalawigan ng Occidental Mindoro

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang Caliber revolver 357 na may 5 bala, isang granada at dalawang transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Itinatanggi naman ng suspek ang mga nasamsam ng pulisya sa kanyang pag-iingat.

Ayon naman sa Cabatuan Police Station, nasamsam kay De Dios ang kanyang cellphone na naglalaman ng mga mensahe sa kanyang mga illegal na transaksiyon.

Inihahanda na ng pulisya ang karagdagang kaso laban kay De Dios dahil sa pagkakasamsam sa kanya ng mga baril at droga.