--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Phil Drug Enforcement Agency ( PDEA ) region 2 at Aritao Police Station ang isang drug surenderee matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa ikinasang drug buy bust operation sa brgy. Kutar, Aritao.Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Rodolfo Salcedo Jr. 47 anyos, may-asawa, tsuper ng traysikel at residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng bombo radyo Cauayan kay Chief Insp.Joberman Bidez, hepe ng Aritao Police Station kanyang sinabi na matagal nilang sinubaybayan ang suspek makaraang makakuha ng impormasuon na bumalik sa pagtutulak ng illegal na droga.

Ito ay sa kabila ng kanyang pagsuko noong nakaraang taon sa oplan tokhang.

--Ads--

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer na nagdulot para madakip si Salcedo.

Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang plastik sachet ng hihinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P/1,000.00.

Ayon pa kay Chief Insp. Bidez, inamin nang suspek na bumalik siya sa illegal na gawain.

Si Salcedo ay mahaharap sa kasong paglabag sa Rep.Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002) sa ilalim ng inquest proceedings.

Umaasa ang hepe ng PNP Aritao na kanilang mahahanap ang tatlo pang nasa kanilang drug watchlist matapos umalis sa kanilang lugar.

Batay sa kanilang talaan, nasa isang daan at animnaput pitong personalidad ang sumuko noong naakaraang taon at tatlo na lamang ang hindi pa sumusuko.