CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang fitness instructor na nangunguna sa listahan ng drug personality sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad.
Ang suspek na si Jorromel Reguyal, 43 anyos, may-asawa, isang fitness instructor , residente ng Bonfal West, Bayombong,Nueva Vizcaya ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng PDEA region 2, Phil Drug Enforcement Unit ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at Bayombong Police Station
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SPO1 Melter Villanueva, Investigator ng Bayombong Police Station na ang suspek ay nadakip sa Don Tomas Maddela Poblacion, Bayombong.
Nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis at nagkaroon ng transaction.
Iniabot ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer sanhi para siya ay madakip.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang P/1,000.00 buy bust money.
Matagal nang sangkot sa droga ang fitness instructor na nauna nang sumuko sa oplan tokhang ngunit bumalik sa kanyang pagbebenta ng illegal na droga.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Druct Act of 2002) laban sa suspek.




