--Ads--
CAUAYAN CITY – Naaktuhan ng isang mister ang kanyang paitbahay na kasama ng kanyang misis sa mismong loob ng kanilang bahay kaya nagdilim ang kanyang paningin at napatay ito sa saksak sa Burgos, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni P/Sr. Insp. Manny Enriquez, hepe ng Burgos Police Station maagang umalis ang suspek upang mamasada ng kanyang tricycle subalit bumalik siya kaagad sa kanilang bahay .
Dito niya naaktuhan ang kanyang misis na mayroong ibang lalaking kasama loob mismo ng kanilang bahay.
Kumuha ang suspek ng patalim at pinagsasaksak ng maraming beses ang nangapitbahay na biktima na siyang ikinamatay ng huli.
--Ads--
Kusang sumuko sa mga otoridad ang tsuper ng tricycle na mister.
Sinampahan na ng kasong homicide ang suspek.




