--Ads--

CAUAYAN CITY- – Nananatili pa ring suliranin ang sobrang bilang ng babaeng bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP Santiago City District Jail Female Dormitory.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Jail Senior Inspector Rizabel Gumaru, tatlo lamang umano ang kanilang selda na ginagamit ng 109 na mga babaeng inmates ang nagsisiksikan dito.

Bawat selda ay may nasa mahigit na 40 inmates, malayo sa 9 na ideal capacity nito.

Kaya upang masolusyunan ito ay inaasahan na ngayong taon ay magpapatayo ng karagdagang selda kung saan may pauna nang pondo para sa dalawang selda na ipapatayo.

--Ads--

Habang hind pa naipapatayo ang karagdagang selda, ang paggawa muna ng triple deck bed ang nakikita nilang pansamantalang solusyon upang ma-maximize ang espasyo ng bawat selda.

Layunin din nitong wala nang matutulog sa sahig ng bilangguan na dahilan ng pagkakasakit ng mga bilanggo pangunahin na ang mga senior citizen.