--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang tsuper ng tricycle sa isinagawang drug buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Isabela Police Provincial Office, PDEA region 2 at Cabagan Police Station sa barangay Maggasi

Ang dinakip ay si Jimson Allapitan, 40 anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money .

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerours Drugs act of 2002) si Allapitan.

--Ads--