--Ads--

CAUAYAN CITY – mas madali na ang proyektong paggawa ng mga organikong ng pamahalaan lokal ng Cabatuan kung magkakaroon na ng shredding machine.

Inihayag ni G. Norlando Manibog ang municipal agriculturist ng Cabatuan na unang hiniling ni Mayor Charlton Uy na magsagawa ng seminar ang DA sa mga mamamayan para alam nila kung paano gawing pataba ang mga nabubulok na basura tulad ng pinagtalupan ng gulay.

Ayon pa kay G. Manibog, isasagawa ang nasabing seminar pagdating ng kanilang dalawang units ng shredding machine.

Una nang naiulat na suliranin sa Cabatuan ang maraming basura lalo na ang mga nabubulok kaya ilulunsad ang proyektong gawin ang mga itong pataba para magamit sa pagtatanim ng mga gulay sa mga bakuran ng mga mamamayan.

--Ads--