--Ads--

CAUAYAN CITY – Dahil sa tinamong matinding sugat sa katawan, patay ang isang lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang sasakyan sa Barangay District 3, San Manuel, Isabela.

Ang namatay ay si Francisco Litua, 50 anyos, may-asawa at residente ng Sta. Rita, Aurora, Isabela.

Nakilala ang nagmamaneho ng Toyota Innova na may plakang UIA-209 na si Michael Anthony Lim, 24 anyos, binata, isang college student at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng San Manuel Police Station na ang motorsiklong mimamaneho ni Litua ay binabagtas ang pambansang lansangan patungong timog na direksiyon nang biglang mabunggo ng sasakyang minamaneho ni Lim

--Ads--

Dahil dito nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Litua na kaagad dinala sa Manuel A Roxas District Hospital sa Roxas, Isabela ngunit idineklarang dead on arrival.

Mapalad namang hindi nasugatan ang tsuper ng sasakyan na si Lim .

Ang dalawang sasakyan maging ang tsuper na si Lim ay dinala sa San Manuel Police Station para sa kaukulang disposisyon.