--Ads--

Team leader ng NPA sa Cagayan sumuko sa mga sundalo

CAUAYAN CITY – Sumuko sa mga kasapi ng 17th Infantry Batallion at Rizal Municipal Police Station sa Cagayan ang isang team leader ng rebeldeng New People’s Army o NPA.

Ang sumukong team leader ng NPA ay kinilala sa Alyas Joren/ Javier,19 anyos, binata at residente ng San Juan, Rizal, Cagayan at kabilang siya sa squad tres platoon Bravo, Danilo Ben Command, Northern Front,Komiteng Rehiyon, Hilagang Luzon na kumikilos sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Lt. Col. Camilo Saddam, Batallion Commander ng 17th IB ang pagsuko ni Ka Joren ay dahil sa negosasyon na ginawa ni Vice Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan.

--Ads--

Inamin ni Alyas Joren na ang nakitang kurapsiyon sa kanilang hanay at matinding hirap at pagod sa pag-iwas sa mga tumutugis sa kanilang mga sundalo ang nag-udyok sa kanya para sumuko at magbalik loob sa pamahaan.

Ayon sa pamunuan ng 5th Infantry Division , ang pagsuko ng team leader ng mga rebelde ay nagpapakita ng kahinaan na ng pangkat ng mga rebeldeng NPA at ito ay malaking kawalan sa nasabing grupo