--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 2 welder na naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa Marcelo H.Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ang mga nadakip ay sina Leonardo Lauron Jr, 36 anyos, binata at Dante Camugao, 46 anyos, kapwa welder at residente ng Saranay, Alicia, Isabela.

isinagawa ng mga otoridad ang drug buy-operation kagabi sa Marcelo H. Del Pilar, Alicia, Isabela sa pangunguna ni P/Sr. Inspector. Darwin John Urani, hepe ng Alicia Police Station.

Nakuha sa pag-iingat ng 2 suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at 1,000 marked money.

--Ads--