--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong falsification of documents ang isang senior citizen na kabilang sa listahan ng wanted person ng Cabarroguis Police Station sa lalawigan ng Quirino.

Ang suspek ay si Jose Catacutan, 86 anyos at residente ng Mangandingay, Cabarroguis, Quirino.

Dinakip si Catacutan ng mga kasapi ng Cabarroguis Police Station makaraang isilbi ang kanyang warrant of arrest na inilabas ni Judge Genevieve Andre-Ewangan ng Municipal Trial Court In Cities Branch 1 Santiago City.

Makakalaya lamang pansamantala ang pinaghihinalaan kapag naglagak ng piyansang P/12,000.00

--Ads--