--Ads--

CAUAYAN CITY- Aabot sa 351 na recruit ng regional training center ( RTC 2 ) ang nagtapos sa pagka-pulis.

Isinagawa ang graduation ceremony ng Sandiwa Class 2017 – 03 sa mismong compound ng RTC 2 sa Barangay Minante Uno at panauhinf pandangal sana si P/Chief Supt. Jose Mario Espino, panrehiyong Director ng Police Regional Office Number 2 subalit nagkaroon umano ng emergency na abiso ng Kampo Krame kaya hindi nakadalo ang opisyal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay RTC 2 Director Supt. Michael Cruz, sinabi niya na dahil hindi nakadalo ang Regional Director ng PRO-2 ay si P/Sr. Supt. Patroneli Baldebrin ang nagbigay ng mensahe sa mga nagtapos.

Ayon kay Supt. Cruz, makaraang ang graduation ay muling sasailalim sa anim na buwan na training ang mga nagtapos upang matuto sila sa iba pang gawain ng mga pulis bago sila italaga sa ibat ibang himpilan ng pulisya sa lambak ng Cagayan.

--Ads--

Hindi itinanggi ng opisyal na may ilang PO1 sa bansa na nasasangkot sa krimen kahit bago palang sila sa serbisyo ngunit tiniyak niya na itinuro nila ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang pulis.