--Ads--

CAUAYAN CITY – walumput walong magsing-irog ang nabigyan ng basbas ng kasal ang kanilang pagsasama sa Kasalang Bayan na ginanap sa Bulwagan ng Santiago City Hall

Ang kasalang bayan ay libre at tanging ang kasuotan ng mga magsing-irog ang kanilang inihanda dahil ang pagkain at venue ay libreng handog ng pamahalaang lunsod.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa mga Organizer, isandaang pares dapat ang kalahok sa kasalang bayan subalit natuklasan sa isinagawang Counseling na ang iba na nais lumahok sa kasalang bayan na may nauna nang asawa.

Karamihan sa mga nagpakasal ay nagsasama at may mga anak.

--Ads--

Ang mga ikinasal ay nabigyan ng regalo na electric fan mula sa kanilang ninong na si City Mayor Joseph Tan.

Ang pinakabata sa mga ikinasal ay 18 anyos habang ang pinakamatanda ay 50 anyos.

Ang kasalang bayan ay taunang programa ng pamahalaang lunsod para sa mga nagnanais magpakasal ng libre.