--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang isang lalaking nasamsaman ng mga malalakas na uri ng baril at mga bala sa isinagawang search warrant sa barangay Minagbag,Quezon, Isabela.

Ang pagsisilbi ng search warrant sa bahay ni Rodolfo Edradan ng Minagbag, Quezon ay pinangunahan ng CIDG Region 2 katuwang ang CIDG Isabela, CIDG Quirino, CIDG Cagayan at mga kasapi ng Quezon Police Station.

Ang search warrant ay ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauayan City.

Nasamsam ang isang M16 armalite rifle at isang M14 armalite rifle kabilang ang 206 piraso ng mga bala ng M16 armalite rifle, M14 armalite rifle, Cal. 40, Cal. 38 at Cal. 45.

--Ads--

Kabilang din sa mga nasamsam ang 5 magazines ng M14, M16 at M2 Carbine.

Ang suspek at mga nasamsam na mga baril at bala ay dinala na sa tanggapan ng CIDG para sa kaukulang disposisyon.