--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang estudyante habang malubhang nasugatan ang 3 matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa San Francisco, Alicia, Isabela.

Ang nasawi ay si si Prince Justin Gudran, 14 anyos residente ng San Francisco, Alicia, Isabela habang malubhang nasugatan sina Christopher Tacadino, 15 anyos, residente ng San Francisco, Alicia, Isabela; Christopher Bugawan, 28 anyos, may asawa at Angelo Miguel, 24 anyos, binata, kapwa residente ng del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, ang motorsiklo na minamaneho ni Gudran kasama ang angkas na si Tacadino ay patungo sa kanluran direksyon nang ito ay banggain ng motorsiklo na minamaneho ni Bugawan kasama ang angkas na si Miguel.

Umagaw ng linya ang motorsiklo ni Bugawan kaya’t sumalpok sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Gudran.

--Ads--

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mga lulan ng 2 motorsiklo na sanhi para magtamo ng malubhang sugat ang katawan ng mga biktima.

Agad na dinala sa ospital ang 4 na sakay ng dalawang motortsiklo ngunit idineklarang dead on arrival ang biktimang si Gudran.

Ang 3 nasa kritikal na nasugatan ay inoobsehaban sa isang pribadong ospital sa bayan ng Alicia, Isabela.