--Ads--

CAUAYAN CITY- lumambot ang lupa na sanhi para masira ang irigasyon sa San Manuel, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Division 3 Manager Jose Sabio ng National Irrigation Administration Region 2, noong Biyernes ng gabi nang may magsasakang umanong nagsara ng drop ng NDC 7 Irrigation sa Barangay Eden para maabot umano ng tubig ang kanyang mga pananim na nasa itaas na bahagi ng irigasyon.

Subalit ayon kay G. Sabio ay napabayaan umanong nakasara ang drop na nagsanhi ng pag-agos ng tubig sa lupa na sanhi para lumambot ang lupa sanhi para ma-wash-out ang istraktura sa nasabing irrigasyon.

Ayon pa kay G. Sabio maaapektuhan ang serbisyo ng irrigation ang 5,000 ektarya sa bayan ng San Manuel, at aabot naman ng 4,000 ektarya sa bayan ng Burgos at Gamu.

--Ads--

Dahil dito nagpunta na sa kanilang tanggapan ang mga Mayor ng Burgos at San Manuel na nangako naman ng tulong.

Dahil dito ay inaasahan na naman ng aabutin ng15 araw ang pagkukumpuni ng naturang istructura ng irrigasyon.