CAUAYAN CITY– tinatayang nasa P/10 million ang kabuoang halaga ng natupok na dalawang gusali na kinalalagyan ng 19 na stall o puwesto sa plengke ng Cabatuan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo cauayan kay Fire Senior Inspector Bernard Gawongna, Municipal Fire Marshall ng BFP Cabatuan, batay ito sa kanilang pagtatanong sa mga nasunugan bagamat hindi lahat ng mga nasunugan ay nakapagbigay na ng kanilang affidavit.
Ayon kay Fire Marshal Gawongna, sa gusali pa lang na nasunog ay aabot na ng p/4 million.
Samantala, batay sa kanilang pagsisiyasat, nagmula ang apoy sa electric fan na uminit ngunit sinabi ni Fire senior inspector Gawongna ay patuloy nilang sinisiyasat ang iba pang maaaring pinagmulan ng apoy na tumupok sa dalawang gusali.




