CAUAYAN CITY- Malaking tulong sa mga magsasaka na nagtatanim ng walong ektaryang sakahan pababa ang libreng patubig mula sa National Irrigation Administration ( NIA ).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Karlo Alexei Nograles ng 1st District ng Davao City na malaking ginhawa sa mga magsasaka ang Republic Act 10969 (Free Irrigation Act of 2018).
Ito ay dahil hindi na sisingilin ang mga hindi nabayaran ng mga magsasaka na irrigatioin fee na pinatawan ng penalty at surcharge sa mga nagdaang taon.
Ayon kay Kinatawan Nograles, naglaan ang kongreso ng 2.6 billion pesos na pondo ng NIA kapalit ng hindi na sisingilin na irrigation fee ng mga magsasaka na may sinasakang walong ektarya pababa.
Dinagdagan din nila ang pondo ng NIA para mas maraming proyekto sa irigasyon at pasilidad para makamit ang hangaring rice sufficency sa bansa.




