--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-uusapan na kung kailan magko-convert bilang impeachment court ang senado.
Inihayag ito ni senador Bam Aquino kaugnay ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng Korte Suprema.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni senador Aquino na maaaring sa Abril o Mayo mai-transmit ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment laban kay Sereno.

Tiniyak ng senador na handa ang senado na maging patas at tapat na gawin ang tungkulin bilang isang impeachment court .

Sinabi pa ni Senador Aquino na kumakausap na sila ng mga backup lawyers para matulungan sila sa mga proseso.
pinag-aaralan din nila ang mga nangyaring impeachment sa senado para malaman ang mga naging rules o patakaran

--Ads--

Ayon sa Senador, kahit hindi pa nai-transmit sa kanila ay naghahanda na sila at tiyakin na pagdating sa kanila ay walang bias.