--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinatayang mahigit 1,000 board feet ng mga labag sa batas na nilagareng kahoy ang nabawi ng mga kasapi ng San Mariano Police Station sa pinacanauan at sa barangay Bitabian, San Mariano,Isabela.

Ito ay sa pamamagitan ng impormasyon na ibinigay ng mga concerned citizen sa mga alagad ng batas.

ang mga kahoy ay maaaring ibiyahe sa pamamagitan ng pagpapaanod sa ilog at pagsingit sa mga malalaking sasakyan na may kargang produkto.

Natagpuan sa gilid ng pinacanauan river ang 26 piraso ng common hardwood habang 13 piraso ng narra sa barangay Bitabian.

--Ads--

Ang pagsamsam sa mga illegal na nilagareng kahoy ay pinamunuan ni P/Senior Inspector Gary Macadangdang, Deputy Chief of police ng San Mariano Police Station.