--Ads--

CAUAYAN CITY – Natangay ng mga hindi pa nakilkalang magnanakaw ang ilang mahalagang gamit at alahas sa panloloob sa isang bahay sa Plaridel Heights Subdivision, Santiago City.

Ang may-ari ng bahay ay si G. Cielito Velasquez, 37 anyos at Asst. Branch Manager ng isang malaking department store sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan kay Chief Inspector ReynaldoMaggay, hepe ng station 2 ng Santiago City Police Office, sinabi niya walang tao sa bahay nang looban dahil nasa trabaho ang mag-asawang velasquez habang nasa paaralan ang kanilang anak.

Sa pagdating ng kanilang anak mula sa paaralan ay nakabukas ang pintuan ng kanilang bahay at nawawala na ang ilang kagamitan tulad ng 42 inches na telebisyon, dalawang laptop, isang tablet, isang relo at ilang alahas.

--Ads--

Hindi nakasara ang gate ng bahay at madaling mabuksan ang pintuan sa likod ng bahay dahil sira ang screen nito.

Maaaring pinag-aralan ng mga supsek ang ginawang panloloob dahil alam nila ang oras na walang tao sa bahay.

Umaasa si Chief Insp. Maggay na makakatulong ang kuha ng CCTV sa kalapit na bahay at isang bahay kalakal para matukoy ang mga pinaghihinalaan.