--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakulong ngayon ang dalawang binata dahil umano sa pagpupuslit ng isang delata at apat na piraso ng tsokolate sa isang bahay kalakal Cauayan City

Ang mga suspek ay sina Edgardo Floresca, 19 anyos, binata,isang service crew, residente ng Bayombong. Nueva Vizcaya at Earl James Mangabat, 22 anyos, binata, isa ring service crew at residente ng Tagaran Cauayan City.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na ang dalawa ay nagtungo sa isang drug store at bumili ng groceries na nagkakahalaga ng isang daan at anim na piso.

Subalit ang Pharmacy Assistant na si Michael Laggui ay napansin umano si Floresca na may itinago na ilang item sa loob ng kanyang T-shirt.

--Ads--

Lumabas na umano ang dalawang suspek ngunit sinabihan ni Langgui ang kanilang guwardiya na pigilan ang magkaibigan.

Natuklasan na itinago ng dalawang pinaghihinalaan Ang isang de lata at apat na tsokolate na may kabuuang halagang dalawang daan at pitong piso.

Dahil dito ay kaagad tumawag ng pulis ang guwardiya at dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang suspek.

Sina Floresca at Mangabat ay nahaharap ngayon sa kasong theft.

Nabatid na nakainom ng alak ang magkaibigan nang masangkot sa pagnanakaw.

Nakunan din ng CCTV camera ang magkaibigan na nag-uusap bago ipinuslit ang isang delata at apat na tsokolate.