CAUAYAN CITY – Limang kasapi ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Arayat, Pampanga ang kusang kusang sa mga otoridad sa Santa Ana, Pampanga.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamunuan ng 7th Infantry Division Philippine Army na nakahimpil sa Fort Ramon Magsaysay , Nueva Ecija, sumuko ang limang NPA sa tulong ni Sta. Ana, Pampanga Mayor Norberto Gamboa mga opisyal ng Pampanga sa mga kasapi ng 48th Infantry Battalion.
Ang limang npa ay nagsuko isang improvised shotgun, isang 9mm pistol at tatlong caliber .30 pistols.
Sa ngayon ay pinag-aaralan ang pagsasailalim sa Comprehensive Local Intergration Program sa limang rebelde upang mabigyan sila ng financial assistance, livelihood trainings bukod pa sa ibibigay na pera kapalit ng isinukong mga baril.
Nagpapasalamat naman si Major General Felimon Santos Jr., Commander of 7th ID, Phil. Army sa dedikasyon at tulong ng mga local na opisyal para mahikayat ang mga rebelde na magbalik loob sa pamahalaan.




