CAUAYAN CITY – Hindi na isasailalim sa pagsusuri ang natagpuang bangkay sa isang boarding house sa barangay research Minante Uno,Cauayan City.
Nakilala ang namatay na si Altheo Gonzaga, 51 anyos, isang tsuper at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na ang may-ari ng boarding house na si Ginoong Felipe Lucas ay nagtungo sa kuwatro ni Gonzaga dahil nagtataka siya nang hindi pa nagigising .
Pagsilip anya niya sa bintana ay tumambad ang nakahandusay na katawan ng biktima sa Sala.
Kaagad nilang ipinagbigay alam sa mga otoridad ang pangyayari.
Kinumpirma naman ng tumugon na kasapi ng Rescue 922 na wala nang buhay ang biktima.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na walang palatandaan na pinaslang ang biktima at naniniwala rin ang pamilya ng biktima na namatay sa sakit ang kanilang kaanak.
Ito ay makaraang sa mga nakalipas na araw ay idinadaing ng biktima ang pananakit ng kanyang dibdib subalit hindi nagtungo sa pagamutan para sa medical chek-up.




