CAUAYAN CITY – Isang tokhang responder ang dinakip ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation sa barangay Villasis, Santiago City.
Ang dinakip ay si Efren Asuncion, 28 anyos, binata, tsuper ng tricycle at residente ng nasabing barangay.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Santiago City Police Office Station 1 , PDEA region 2 at City Intelligence Branch.
Umaktong poseur buyer ang isang pulis at dito napatunayang nagbebenta ng illegal na droga ang suspek kayat agad siyang dinakip.
Nakuha sa pag-iingat ni Asuncion ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.
Dinala sa himpilan ng pulisya si Asuncion at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.




