--Ads--

Mga OFW sa region 2 na apektado ng deployment ban sa Kuwait, tatanggap na ng tulong ng pamahalaan

CAUAYAN CITY – Sisismulan na sa susunod na linggo ang pagbibigay ng tulong para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa region 2 na naapektohan ng deployment ban sa bansang kuwait.

Ito ay makaraang sang-ayunan na ng Overseas Worker Welfare Administration ( OWWA ) ang budget para sa tulong na ibibigay sa mga OFW.

Ang mga OFW na pinauwi mula Kuwait ay makakatanggap rin ng P/5,000.00 bawat isa na ayuda.

--Ads--

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia ang nasabing ayuda ay paunang tulong pa lamang para sa mga OFW na naapektohan ng deployment ban habang ang iba pang tulong ay ibibgay sa mga susunod na araw.