--Ads--

CAUAYAN CITY – inaasahang dadagsain ng mga magsasaka at mga mamamayan ang farmers congress na itinakda sa miyerkoles, March 14, 2018.

Kabilang sa mga ipagkakaloob na serbisyo ng provincial government sa farmers congress ang medical at dental mission at ilalapit ang iba pang programa at proyekto.

Ito ay pinaghahandaan na ng mga opisyal ng pamahalaang lokal, pamahalaang barangay at pambayang tanggapan ng pagsasaka

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Municipal Agriculturist Emiliano Camba ng San Mateo na dalawang linggo bago ang Farmers Congress ay pinulong na ni Mayor Crispina Agcaoili ang mga department heads at mga barangay kapitan at tinalakay ang kanilang mga paghahanda.

--Ads--

Tinalakay nila ang mga dapat gawin para makarating sa mga magsasaka ang gaganaping farmers congress.

Sinabi pa ni G. Camba na ang farmers congress sa San Mateo ay isa na namang malaking pagkakataon para mabigyan ng suporta ang mga maliliit na magsasaka at mga manggagawa sa bukid na sentro ng ilang proyekto ng pamahalaang panlalawigan.