CAUAYAN CITY – Patuloy ang pangangalap ng ebedensiya ang mga kasapi ng Ramon Police Station kung sino ang may kasalanan sa naganap na aksidente sa barangay road ng San Miguel, Ramon na ikinasawi ng isang graduating student.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Melanio Vinoray, hepe ng Ramon Police Station na sa kanilang pagsisiyasat sa pinangyarihan ng aksidente ay lumayo na ang Isuzu Forward Truck sa kinalalagyan nito at katawan ng biktimang si Rex Bayaona.
Dahil dito ay patuloy ang kanilang pagsisiyasat at pagtatanong para sa ebidensiya sa kasong isasampa laban sa negosyanteng nagmaneho sa Forward Truck na si Roger Bello, 38 anyos, residente ng Sto Domingo, Alfonso Lista, Ifugao na nasa kustodiya na ng pulisya sa Ramon.
sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bello, sinabi niya na unang bumangga ang biktimang si Bayaona sa trailer ng isang hand tractor sa gilid ng lansangan sa barangay San Miguel at nang sumemplang ito ay napunta sa ilalim ng kanyang sasakyan at nagulungan.
Hindi niya ito napansin dahil ang harapan ng kanyang sasakyan ay nakalusot na umano.
handa siyang makipag-usap sa pamilya ng biktima.
Ang estudyanteng si Rex Bayaona, 29 anyos, residente ng Planas, Ramon, Isabela ay magtatapos sana sa April 7, 2018.




